The promise

               Around year 2012 isa sa mga school na nag taas ng tuition fee ay ang St. Ferdinand college upang mabigyan ng mataas na sahod ang mga teacher na nagtuturo sa nasabing school. Isa na rin sa mga dahilan nito ay ang pag ka ubos ng pondo ng school na sinasabing nagamit sa mabilisang pagpapagawa ng school matapos walang habas na sirain ng bagyong Juan ang school nung nakaraang Obtubre 18,2010.

Ayon sa President, ang pag taas ng tuition ay dahil narin sa pag level up ng school dahil sa paglahok sa PACUCOA.
Nag patawag ang Presidente ng sabihin na nating forum upang tanungin ang mga estudyante kung sang ayon ba sila sa pagtaas ng tuition fee ng 8%. Sa mga naunang course sinabi ni madam president na sang ayon sila at walang pag aalin-langan. Nang sumunod na ang batch namain,well sa pag kakatanda ko mix ang bacth namin my kasabay kaming other course,nung una ay hindi sang ayon ang nakararami sapagkat sa hirap ng buhay, at pinag daanang disaster sasabyan pa ng tuition fee increase ay talagang mapapailing ka nalang., ngunit aniya ng nakatataas maliit lamang na bagay ang walong porsyentong idadagdag sa aming tuition fee, para ka lang bumibili ng kendi araw-araw. Sa isip isip ko naman habang sinasabi nya yun, kung sa ibang eskwelahan nga sa maynila pisong dagdag lang nagwewelga na sila, dito kasi hindi natin yun magawa! Matapos ang pangungunsensya sunod sunod na rin silang pumunta sa harapan at nagbitaw ng salita sa mikropono.

Kasabay ng pag sangayon ay isang kahilingan.

Ayos. parang agreement, palitan ng benefits.

Mga (reklamo) kahilingan:

Sana mapagawa na po yung fountain kasi po nauuhaw kami.
Sana my access kami sa wi-fi kasi po hindi naman kami lahat nakakagamit ng computer lab.
Sana po madagdagan yung mga monoblock sa room namin kasi po yung iba wala ng maupuan.

Ilan lang yan sa mga natatandaan kong kahilingan ng mga kapwa ko estudyante nung kasalukuyan ng forum mejo hindi kasi ako nakinig kasi may nagtutulakan sa tabi ko.

"Ikaw na kasi"

"Ikaw na mag sabi"

"Ikaw na nahihiya ako eh"

"Ikaw na, ikaw nakaisip eh"


Bandang huli hindi rin nila nasabi. tsk tsk tsk.!

Awa ng diyos hanggang ngayon nakatiwang-wang parin ang mga pangako nila matapos itaas ang tuition.